WATCH: Marian Rivera, Primetime Queen din sa bansang Cambodia? - gohong01

Isang espesyal na imbitasyon ang natanggap ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera mula sa isa sa mga leaders na dadalo sa 31st  ASEAN Summit na gaganapin mula November 11 hanngang 14 sa Manila.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, mismong ang pinuno ng bansa ng Cambodia na si Prime Minister Hun Sen ang gustong makita si Marian Rivera. Sikat rin umano sa Cambodia ang mga hit TV series ng Kapuso actress tulad na lang ng Carmela, Marimar, at Dyesbel.

Ikinagulat daw ng Super Ma’am actress nang malaman niya na gusto daw siya makita ng Cambodian leader.

Saad niya, “Nagulat nga ako na pinadalhan kami ng invitation kasi hindi naman ako sanay na uma-attend ng mga ganiyan at parang nakakahiya naman na pumunta ako sa ganun. Pero ang sabi sa amin gusto daw ako makita ng President ng Cambodia kaya pupunta kami dun.”
 

喜歡?給個讚吧 :)
網友推薦

熱門關鍵字:

康福開發設計股份有限公司 硬化地坪 地坪處理 混凝土硬化地坪 混凝土硬化工程 拋光地坪 混凝土磨石地坪