WATCH: Korean actress Kim Hye Jin, nais makilala ang cast ng 'My Korean Jagiya' - gohong01

Nais makilala ng Korean actress na si Kim Hye Jin ang cast ng My Korean Jagiya.

Nasa bansa ngayon ang Korean actress dahil sa imbitasyon ni My Korean Jagiya director Mark Reyes. Si Andy Ryu na gumaganap din bilang si Gong Woo sa naturang Kapuso drama-comedy-romance series ang sumundo sa kanyang kapwa Korean star.

Ayon sa panayam ng 24 Oras, excited daw si Kim na makilala ang mga gumaganap sa My Korean Jagiya lalo na sina Heart Evangelista at Alexander Lee. Dagdag din niya, open din siya sa mga projects dito sa Pilipinas sakaling may mag-alok.

Kahit sandali pa lamang siya rito, natutunan na niya ang mga katagang ‘Kumusta ka?’ at ‘Mahal kita.’ Samantala, excited naman si Andy sa pagdating ni Kim. Kung may ipapatikim daw siya na pagkaing Pinoy sa kanyang kaibigan, ito raw ay ang Halo-halo.

Masaya rin si Kim sa mainit na pagtanggap ng mga Pinoy sa kanya.

Sambit niya, “Salamat po.”

喜歡?給個讚吧 :)
網友推薦

熱門關鍵字:

康福開發設計股份有限公司 硬化地坪 地坪處理 混凝土硬化地坪 混凝土硬化工程 拋光地坪 混凝土磨石地坪