READ: Aiai Delas Alas, ipinaliwanag kung bakit wala ang anak na si Nicolo sa kanyang kasal - gohong01

Nilinaw ni Aiai Delas Alas kung bakit wala sa kanyang kasal ang kanyang anak na si Nicolo o Niki, at kung bakit hindi rin ito nakikita sa kanilang family photos ngayong Kapaskuhan.

“Busy po ang dahilan talagang three years bago siya umuwi ulit dahil sa citizenship niya din,” anang Philippine Queen of Comedy.

Dugtong pa niya, “Wala intriga, talaga lang pong di makauwi ang aking poging anak. Merry Christmas to everyone.. Labyu, Niki unconditionally.”

Kalakip ng paliwanang ni Aiai ay ang mensahe ni Nicolo para sa aktres. Humihingi ito ng paumanhin sa kanyang ina dahil hindi ito nakadalo sa important events ng kanilang pamilya.

Sambit pa ni Nicolo, “Gusto ko lang po paalam sa inyo na mahal ko po kayo at hindi ko po masasabi sa inyo kung gaano po ako ka-swerte at kung gaano po ako ka-thankful sa lahat ng efforts niyo para sa akin, at sa mga kapatid ko.”

“Mahal na mahal ko po kayo at sana po pagpatuloy niyo po maging mamahalin na tao maging magandang role model sa ibang tao. I love you po, inay! Merry Christmas,” patuloy niya.

喜歡?給個讚吧 :)
網友推薦

熱門關鍵字:

康福開發設計股份有限公司 硬化地坪 地坪處理 混凝土硬化地坪 混凝土硬化工程 拋光地坪 混凝土磨石地坪