30 former co-hosts ni Willie Revillame: Nasaan na ngayon? - gohong01

Sa ilang taong pagpapasaya ni Willie Revillame ay marami na siyang nakatrabaho at nakasama. Sino-sino ang mga naging co-hosts ni Kuya Wil? Kumustahin sila sa gallery na ito.

Mariel Rodriguez

Si Mariel Rodriguez ang pinakamatagal na nakasama ni Willie bilang kanyang co-host. Mula 'Wowowee,' 'Wil Time Bigtime,' hanggang 'Wowowillie' ay nagkatrabaho sila. Masasabing ito ang nag-launch ng kaniyang career. Happily married na rin si Mariel sa kanyang asawa na si Robin Padilla.

Pokwang

Isa rin ang komedyanang si Pokwang sa mga matagal na naging co-host ni Willie sa ‘Wowowee.’ Patuloy pa rin ang kanyang pagpapasaya, ngunit higit dito ay may nagpapasaya na rin sa kanya sa katauhan ng kanyang American boyfriend na si Lee O’Brien.

Valerie Concepcion

Kasabay nina Mariel at Pokwang bilang co-host si Valerie Concepcion. Huling lumabas si Valerie sa 'Mulawin VS Ravena.' Hands-on mom din siya sa kanyang dalaginding na anak na si Fiona.

RR Enriquez

Naging dancer muna si RR Enriquez bago maging co-host ni Kuya Wil sa 'Wowowee.' Noong 2015, umingay ang kanyang pangalan matapos batikusin ng mga netizens ang kanyang naging viral na prank video kaugnay ang isang commuter. Agad siyang humingi ng dispensa at ayon sa kanyang Instagram profile, siya ay isang “sinner saved by Jesus.”

Iya Villania

Isa si Iya Villania sa mga unang naging co-host ni Willie sa 'Wowowee.' Bilang isang Kapuso, si Iya ay host ngayon ng 'Chika Minute' segment ng '24 Oras.' Hands-on mom din siya sa panganay nila ni Drew Arellano na si Baby Antonio Primo.

Kat Alano

Naging ‘Wowowee’ co-host din ni Kuya Wil si Kat Alano. Ang English-Filipino model-host ay mas naka-focus ngayon sa kanyang music at arts.

Jed Montero

Nanatiling Kapamilya si Jed Montero matapos ang kanyang hosting stint sa 'Wowowee.' Graduate ng UP Diliman si Jed at naging bahagi ng UP Women's Volleyball Team. Maliban sa showbiz ay busy siya sa pagiging isang entrepreneur. Isa rin siya sa mga Guest Services Officer na nag-asikaso sa mga kandidata ng 65th Miss Universe sa isang casino resort at hotel complex.

Lara Quigaman

Si Lara Quigaman ang unang beauty queen na naging co-host ni Willie Revillame. Fulfilled ngayon ang Miss International 2005 titlist bilang misis ni Marco Alcaraz at ina ni Noah.

Carmen Soo

Taong 2010 nang mapabilang sa ‘Wowowee’ family ang Malaysian-Chinese na si Carmen Soo. Hanggang ngayon ay patuloy ang kanyang pagmomodelo, pag-arte, at pagkanta.

Max Collins

Kilala pa si Max Collins sa pangalang Isabelle Abiera nang mag-host sa 'Wowowee.' Mapapanood siya sa 'Bubble Gang,' at naging bahagi rin siya ng Kapuso shows na 'Encantadia' at 'Someone To Watch Over Me.'

Roxanne Guinoo

Naging ‘Wowowee’ co-host din ni Willie si Roxanne Guinoo noong 2007. Pagkatapos ng apat na taon ay nagsimula na sila ng kanilang sariling pamilya ni Elton Yap. Active pa rin ngayon si Roxanne sa mundo ng showbiz.

Kelly Misa

Kabilang si Kelly Misa sa mga co-hosts ni Kuya Wil noong 2010. Ginagamit ni Kelly ang hilig at kaalaman sa fashion at beauty sa pagiging isang model, host, at blogger. Masaya rin siya sa kanyang mag-ama na sina Carlos Fernandez at Tristan Antonio.

Janna Dominguez

Sa ‘Wowowee’ nagsimula ang showbiz career ng ngayo’y Kapuso comedienne na si Janna Dominguez. Siya ay mapapanood sa ‘Pepito Manaloto.’ Proud mom din siya nina Yzabel at Micael.

Rufa Mae Quinto

Nakatrabaho ni Kuya Wil si Rufa Mae Quinto nang lumipat ang programa nito sa Kapatid network. Mula 'Wil Time Bigtime' hanggang 'Wowowillie' ay nagsilbing co-host ni Willie ang komedyante. Sunod-sunod ang blessing sa buhay ni Rufa dahil matapos ang kanilang kasal ni Trevor Magallanes ay dumating ang kanilang panganay na anak na si Alexandria Magallanes.

Sugar Mercado

Nagmula sa 'Eat Bulaga,' si Sugar Mercado ay naging bahagi din ng 'Wil Time Bigtime.' Ang dating Sexbomb girl ay isang single mom at madalas na nagpe-perform sa Zirkoh at Klownz. Madalas ay napapanood na rin siyang muli bilang co-host ni Willie sa 'Wowowin.'

Iwa Moto

Maituturing na biggest comeback sa TV ni Iwa Moto ang kanyang pagiging host sa ‘Wil Time Bigtime.’ Sa ngayon ay hindi niya priority ang buhay-artista dahil isa siyang full-time mom sa kanyang anak na si Hiromi.

Shalani Soledad

Marami ang nagulat nang maging co-host ni Willie ang matahimik at mahinhin na si Shalani Soledad. Kasal na siya ngayon sa kapwa politician na si former Cong. Roman Romulo ngunit pareho silang walang hinahawakang posisyon sa gobyerno.

Cindy Miranda

Isa pang beauty queen ang naging co-host ni Kuya Wil sa katauhan ni Cindy Miranda, ang nanalong Binibining Pilipinas Tourism noong 2013. Patuloy ang kanyang pagmomodelo bilang isang Viva at Mercator artist.

Mo Twister

Minsan ding napanood si Mo Twister sa ‘Wil Time Bigtime.’ Patuloy pa rin siyang mapapakinggang ngayon  bilang isang DJ sa isang FM station ngunit masasabing lumagay na siya sa tahimik sa pagkakaroon ng sarili niyang pamilya.

Grace Lee

Matapos ang kanyang pagiging host sa ‘Wil Time Bigtime’ at ‘Wowowillie’ ay nanatiling Kapatid si Grace Lee.

Ethel Booba

Bago ang kanyang mga nakakalokang posts sa Twitter , sa 'Wowowillie' muna nagpatawa si Ethel Booba. Hindi man siya madalas mapanood ngayon sa TV, busy ang singer-comedienne sa international shows at pag-promote ng kanyang librong #Charotism.

Arci Munoz

Naging co-host din ni Willie ang 'StarStruck' alumna na si Arci Munoz sa 'Wowowillie.' Balanced ang oras ni Arci ngayon sa pag-aartista at pagiging isang musikero.

Abra

Sino mag-aakalang ang rapper na si Abra ay nakatrabaho rin ni Kuya Wil bilang kanyang co-host.  Ang kanyang pagiging isang makata, songwriter, battle emcee, at OPM ambassador ay litaw sa kanyang musika.

Ava Jugueta

Ang miyembro ng ‘Pretty Young Thing’ na si Ava Jugueta ay naging ‘Wil Time Bigtime’ co-host din ni Willie. Ngayon, mas nakatuon ang kanyang oras sa pagbabanda.

Nina

Isa ang pagiging host ng 'Wil Time Bigtime' sa mga ginampanang roles ni Nina na layo sa pagkanta, ngunit hanggang ngayon ay patuloy ang kanyang pamamayagpag bilang 'Soul Siren.'

Ate Gay

Naging bahagi rin si Ate Gay ng ‘Wil Time Bigtime.’ Walang kupas pa rin ang kanyang pagpapatawa bilang isang performer at stand-up comedian.

Yvette Corral

Dating contestant sa 'Willie of Fortune' segment ni Willie Revillame si Yvette Corral bago siya maging dancer at maging co-host sa 'Wowowin.' Patuloy pa rin ang kanyang pagsayaw at pag-host kahit bihira na siyang mapanood sa TV.

Kimchi

Ang aspiring beauty queen na si Kimchi o Janelle Tee sa totoong buhay ay naging co-host din ni Willie Revillame sa 'Wowowin.' Ngayon ay abala si Kimchi sa pagiging host sa isang Filipino-Chinese program sa ibang istasyon, at pagiging isang entrepreneur.

Super Tekla

Matapos sumali bilang 'Willie of Fortune' contestant ay inimbitahan ni Willie na maging co-host niya si Super Tekla sa 'Wowowin.' Hindi man siya bahagi ng Kapuso variety game show ngayon, nagpapasalamat pa rin si Super Tekla kay Kuya Wil at nananatiling Kapuso.

Donita Nose

Mas nakilala si Donita Nose nang maging bahagi siya ng 'Wowowin' bilang co-host ni Willie. Hindi man napapanood si Donita Nose ngayon, tumatanaw pa rin siya ng utang na loob kay Kuya Wil dahil nabuksan nito ang ilan pang oportunidad para sa komedyante. Siya ay nag-ge-guest ngayon sa ilang Kapuso shows tulad ng 'Celebrity Bluff' at 'All-Star Videoke.'

97JEZ 速借網 服務項目:

借錢

私人借錢

私人小額借款

借款

當鋪

企業借款

車貸

房貸

贊助廣告:安貸

借錢 線上借錢

97JEZ 服務項目: 借錢 小額 借款 當鋪 民間借貸 車貸


喜歡?給個讚吧 :)
網友推薦

熱門關鍵字:

康福開發設計股份有限公司 硬化地坪 地坪處理 混凝土硬化地坪 混凝土硬化工程 拋光地坪 混凝土磨石地坪