EXCLUSIVE: 'The Boobay and Tekla Show,' unang digital show na magko-cross over to TV - gohong01

Hindi inakala nina Boobay at Tekla na magiging groundbreaking ang kanilang pinagbibidahang The Boobay and Tekla Show. Ito kasi ang kauna-unahang Kapuso program na mula online ay mapapanood na sa telebisyon.

Sa hiwalay na exclusive interviews ng GMANetwork.com sa fun-tastic duo, nag-react sina Boobay at Tekla sa digital-to-TV crossover ng kanilang programa.

Ani Tekla, “Sobrang swerte kasi alam mo maraming pwedeng gawing show, maraming may mga potential 'di ba pero itong show namin, 'di nga kami nag-e-expect, basta work lang kami nang work. Kumbaga hindi namin inaalintana kung anong magiging bunga niya. Kumbaga nag-invest kami dyan ng time, 'yung effort. Nagulat nalang kami na ganun 'yung response.”

“Sobrang thankful, sobrang blessed, sobrang challenged din at the same time itong napakalaking pagsubok or challenge sa career namin as comedians. Parang ito level up na ito eh kasi on national TV lalabas ka na. Kailangang handaan mo 'yung utak mo, 'yung katawan mo every time, everything, lahat,” patuloy niya.

Sang-ayon dito si Boobay na halo-halo rin ang nararamdaman ngayong malapit nang mapanood sa telebisyon ang The Boobay and Tekla Show.

Wika niya, “Sobrang malaking pribilehiyo na mabigyan ng pagkakataon. Kasi dati kinakabahan-kabahan pa kami eh.. na-validate ka na parang effective pala 'yung ginawa mo. At least nakita 'yung effort mo, 'yung gusto mo, 'yung purpose mo sa life nga na mas makapagpasaya pa ng mas malaking audience at eto na, binigay na. Pinagbibigyan na tayo ng pagkakataon, ng opportunity ng taas, ng ating mga boss na mailagay sa TV nga 'yung TBATS.”

Dugtong din niya, “At the same time pressured kasi syempre 'di ba alam naman natin kung ano 'yung papasukin natin 'di ba. Hindi maiiwasan dyan 'yung magkakaroon ng comparison sa ibang mga shows. Pero as much as possible, tiwala ka rin dapat sa kung ano pwede mong ibigay at anong pwede mong gawin sa audience mo.”

喜歡?給個讚吧 :)
網友推薦

熱門關鍵字:

康福開發設計股份有限公司 硬化地坪 地坪處理 混凝土硬化地坪 混凝土硬化工程 拋光地坪 混凝土磨石地坪