Paul Salas gives advice to StarStruck hopefuls: "Be confident" - gohong01

“Confidence. 'Yun 'yung pinaka importante.”

Ito ang maibibigay na payo ng StarStruck Kids alumnus na si Paul Salas sa mga nangangarap na mapasali sa bagong season ng StarStruck.

Dagdag pa niya, ito rin ang nagiging problema niya minsan dahil na-i-insecure siya at nahihiya.

“Kung alam mong marunong kang kumanta, sumayaw, mag-acting, ipakita nila, wag silang mahiya.

“Kasi 'yun 'yung minsan problema ko, minsan nai-insecure ako, minsan nahihiya ako," ani Paul.

Sinabi rin ng Kara Mia actor na naaalala niya pa lahat ang StarStruck Kids moments niya noong siya ay six years old pa lang, na minsan ay out of place siya.

“Naaalala ko 'yung kakulitan ko, ako kasi 'yung pinakamakulit daw doon, e. And naaalala ko 'yung hindi ako makasali sa kanila kasi medyo hindi pa ako marunong mag-Tagalog noon.

“Naalala ko na out of place ako kasi lahat sila nagta-Tagalog, and ayun, naalala ko 'yung bonding namin lahat like 'yung sa bus.”

Bukas pa rin ang audition ng StarStruck season 7 sa GMA Annex Building mula Lunes hanggang Biyernes.

喜歡?給個讚吧 :)
網友推薦

熱門關鍵字:

康福開發設計股份有限公司 硬化地坪 地坪處理 混凝土硬化地坪 混凝土硬化工程 拋光地坪 混凝土磨石地坪