READ: Bakit ayaw nina Ice Seguerra at Liza Diño na kumuha ng local sperm donor? - gohong01
Aminado si Ice Seguerra na dati pa ay pabiro na niyang tinatanog ang mga kapuwa artista na maging sperm donor.
Kabilang raw sa kaniyang tinanong ang hunk actor na si Derek Ramsay, na minsan niyang nakatrabaho sa isang teleserye.
Ngunit tila hanggang biro lang talaga ito dahil mas gusto ni Ice at ng kaniyang asawang si Liza Diño na kumuha ng isang foreign sperm donor na hindi kilala ng publiko.
READ: Ice Seguerra at Liza Diño, napupusuan na si "Superman" bilang sperm donor
Sabi ng 35-year-old singer, “Naiisip na namin ni Liza 'yan [kumuha ng local sperm donor], of course, it's easier, 'di ba, it's just here and mas mura. Pero siyempre, 'yung implications no'n after.
“What if na-feel ni Jun Lalin na gusto niyang maging tatay ng anak namin? Kasi binigay niya 'yong sperm niya.
“Siyempre, ayaw ko, gusto ko ako 'yung magisnan niyang magulang. So ayun, ayaw kong may ibang mag-assume ng role na 'yon but me.
“Ayun, and other complications as well. So sabi ko, let's just do the cryobank route, at least, no strings attached. Mahirap na.”
Nakausap ng GMAnetwork.com at iba pang entertainment reporters si Ice sa press conference para sa pre-Valentine concert niyang Acoustic Love Journey, na gaganapin sa February 9 sa Palacio de Maynila.
Ayon kay Ice, wala raw nakikita si Liza na problema sa pagsasapubliko ng mga prosesong pinagdadaanan nila para magkaroon ng anak.
Katulad na lang ng pagsabi ni Liza kamakailan tungkol sa egg retrieval na isinagawa kay Ice kamakailan.
READ: Ice Seguerra and Liza Diño start journey to have a baby
“Definitely, tatanungin naman 'yan [ng magiging anak namin],” sabi ni Ice.
“We're gonna be very honest. Siguro if there's one thing, even with Amarah, Liza, and I, honesty talaga ang number one sa bahay namin.
“It's the number one policy, na wala kaming itinatago.”
Ganito rin daw ang ginawa ng pamilya ni Ice sa adopted younger brother niya.
Kuwento niya, “Even with my brother. My brother knew when he was very young. I have an adopted brother, he's 20 mahigit na.
“I have to tell him na he was adopted noong bata siya because mayroon mga bastos talaga sa Pilipinas na sasabihin sa harap ng bata, 'O, bakit hindi mo naman kamukha 'yan? Ampon 'yan.' Grabe, 'di ba, ganun tayo kasama minsan.
“I think the only way na malalabanan namin 'yan is for them to know the truth and, definitely, wala kaming itatago kay bagets.”
Sa ngayon, magkahalong saya at sabik ang nararamdaman ng mag-asawa sa katuparan ng kanilang pangrap na magkaroon ng sariling anak.
Kaya naman, hindi na nila pinapansin ang anumang negatibong komento tungkol sa kanilang plano.
“'Di naman sila parte ng buhay namin, so kebs,” sabi ni Ice.
“Sabi ko nga kay Liza, people will always bash. Not because they feel strongly about it, but just because they want to.
“Wala na akong magagawa dun, so kebs.
“Alam n'yo naman na masaya kami. And more than anything, masaya ako kasi the people that we love support us.
“I think, more than anything, that's what matters the most.
“Masaya ako na the industry, you guys, are all happy. My parents, both our families are happy. My friends are very happy and very excited, so okay na 'yon.”
97JEZ 速借網 服務項目:
借錢
私人借錢
私人小額借款
借款
當鋪
企業借款
車貸
房貸
贊助廣告:安貸
借錢 線上借錢
97JEZ 服務項目: 借錢 小額 借款 當鋪 民間借貸 車貸