EXCLUSIVE: Max Collins, mommy friends ang naging inspirasyon para sa kaniyang 'Bihag' character - gohong01

Isa si Kapuso actress Max Collins sa lead stars ng upcoming GMA Afternoon Prime suspense and action-drama na Bihag.

Max Collins

Gaganap si Max bilang Jessie, isang nanay na hindi titigil sa paghahanap sa kanyang dinukot na anak.

"She'll go through a lot of trials because may mangyayari sa anak niya. Isa siyang stay-at-home mom. She sacrificed her career para sa anak niya and para sa family niya. Maaga siyang nabuntis so basically her whole life is about her family. When something happens to Ethan, that's when her world comes crashing down kasi 'yun talaga 'yung buhay niya," paglalarawan ni Max sa kanyang karakter sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Dahil hindi pa siya nanay, nag-research daw siya para magampanan niya nang maayos ang karakter.

"I don't have a child. I have a husband but I haven't been married that long. I kind of had to put myself in that position so I watched a lot of movies on mothers and their children getting abducted or taken. I also watched a lot of videos on 'yung mga YouTube mommies that do videos with their kids," aniya.

Kabilang daw sa preparasyong ginawa niya ay ang pag-oobserba sa mga kaibigan niyang may mga anak na.

"Also, I tried to spend a lot of time with my friends na may mga anak and see how they interact with their child, how they take care of their children," kuwento ni Max.

Bukod kay Max, tampok din sa Bihag sina Mark Herras, Jason Abalos, Neil Ryan Sese at Sophie Albert. Huwag itong palampasin, Lunes hanggang Biyernes, simula April 1 sa GMA Afternoon Prime.


EXCLUSIVE: Sophie Albert, nahirapan sa "dual role" niya sa 'Bihag'

EXCLUSIVE: Neil Ryan Sese, ipinakilala ang karakter sa 'Bihag'

喜歡?給個讚吧 :)
網友推薦

熱門關鍵字:

康福開發設計股份有限公司 硬化地坪 地坪處理 混凝土硬化地坪 混凝土硬化工程 拋光地坪 混凝土磨石地坪