WATCH: Stress-free exercises, sinubukan ng mga Binibining Pilipinas 2019 candidates - gohong01

Para always fresh at stress-free sa life, isang kakaibang exercise ang sinubukan ng mga Binibining Pilipinas 2019 candidates kahapon, April 11.

Binibining Pilipinas 2019

Sa isang activity na nakalaan sa kanila, makikitang disconnected from their gadgets at social media ang mga kandidata.

Makikitang nag-stretch at na-destress ang 40 binbinibi habang ginagawa ang mga meditative exercises na itinuro sa kanila.

Kung gusto mo rin subukan, narito ang 5 tips to de-stress every day:

Stretch

Ayon kay Dr. Lia Bernardo, ang ideal time na mag-stretch ay pagkatapos gumising sa umaga.

Aniya, “I would say, in the morning only because you're sleeping and it's the best time to do so because it feels good.

“But you can stretch after lunch, especially if you're office-bound.”

Meditate

Maglaan din ng oras para magnilay-nilay o pag-meditate.

Ilayo muna ang isip sa mga negative thoughts o mga dapat gawin at huwag kalimutang mag-breathe in and breathe out.

Smile

Malaking bagay daw ang nagagawa ng pag-ngiti at pagiging positibo.

“There's a lot of positive energy in smiling but it's also a reflection of what's going on inside you.”

Dance and Move

Dance to your own beat kahit parehong kaliwa ang iyong paa o kahit simpleng pag-lakad ay may malaking benepisyo sa iyong katawan.

Sabi niya, “Even if it's in the office area, like the stairs, walk around so that there's some sort of movement that happens in your body every day.”

Touch

Wala na raw mas gaganda pa sa koneksyon sa ibang tao kahit anong uri - yakap, holding hands, kahit akbay sa ating kaibigan.

Malaki ang nadudulot para maisip natin na hindi tayo nag-iisa at gawin ito nang may pasasalamat.

Panuorin kung paano mag-destress sa chika ni Nelson Canlas:

Why you should take a social media detox like these celebs

喜歡?給個讚吧 :)
網友推薦

熱門關鍵字:

康福開發設計股份有限公司 硬化地坪 地坪處理 混凝土硬化地坪 混凝土硬化工程 拋光地坪 混凝土磨石地坪