WATCH: Ate Gay, naging daan para makita ni Boobsie ang amang nawalay ng 30 taon - gohong01

Espesyal ang naging episode ng Tonight With Arnold Clavio para sa 9th anniversary nito.

Ate Gay and Boobsie

Nagsama-sama ang tatlo sa mga magagaling na stand-up comedians sa bansa na sina Ate Gay, Boobsie at Boobay.

Sa kanilang panayam kay Igan, inilahad nina Boobsie at Boobay kung paano sila ginawan ng kabutihan ni Ate Gay.

Dahil napamahal na sa isa't-isa, nagkaroon sila ng mas malalim pang relasyon na nagpaigting sa kanilang pagkakaibigan.

Napatunayan ni Boobsie ang kabutihan ni Ate Gay matapos nitong magsilbing daan para mahanap niya ang kaniyang ama na nawalay sa kaniya ng 30 taon.

"[Si Ate Gay] 'yung naghanap sa [tatay ko sa] Cebu.

"Kung kikilalanin n'yong mabuti si Ate Gay, napakabait niya," ani ni Boobsie.

Sa karanasan naman Boobay, si Ate Gay ang naging susi sa pag-unlad ng kaniyang career matapos siya nitong makitang nag-e-extra sa Baguio.

Paglalahad ni Ate Gay, "Sabi ko, 'bakit ka sa Baguio nagpe-perform? Doon nagte-taping ka tapos may mga comedy bar naman dito, dito ka na lang tumira sa Maynila. Papakilala kita [kay Allan K.]' Pumunta naman, nagustuhan naman siya ni Allan K."

Panoorin ang segment na 'yan sa April 10 episode ng Tonight With Arnold Clavio:

喜歡?給個讚吧 :)
網友推薦

熱門關鍵字:

康福開發設計股份有限公司 硬化地坪 地坪處理 混凝土硬化地坪 混凝土硬化工程 拋光地坪 混凝土磨石地坪