LOOK: 15 Celebrity-owned Resorts and Beach Houses - gohong01

Tingnan sa gallery na ito ang mga resort at beach house ng ilang celebrities.

Camille Prats

Ang pamilya ng TV host-actress na si Camille Prats ang nagmamay-ari ng Nayomi Sanctuary Resort sa Balete, Batangas. Perfect place ito para mag-glamping dahil tanaw dito ang Taal lake. Bukod sa magandang view, dinarayo rin ng mga turista ang kanilang pagkain.

Robin Da Roza 

Family-friendly ang newly-opened resort ng mag-asawang Robin Da Roza at Maffy Soler. Ito ay ang Soler Seaside Resort na matatagpuan sa Balayan, Batangas. Ngayong taon lang ito binuksan pero lubos itong tinatangkilik ng mga bakasyonista.

Sam Pinto

Chic but minimalist naman ang vibe ng L'Sirene Boutique Resort na pagmamay-ari ng aktres na si Sam Pinto. Matatagpuan ito sa Reserva, Baler, isa sa mga surfing spots ng bansa. Beach lover si Sam kaya resort ang napili niyang inegosyo.

Aljur Abrenica 

Family-owned din ang resort ng hunk actor na si Aljur Abrenica. Ito ang Patio Alfonso Resort na matatagpuan sa Batangas City. Minsan na ring dinala ni Aljur dito ang kanyang mga fans para maka-bonding.

Joross Gamboa 

Mexican-themed naman ang resort ng pamilya ni Joross Gamboa. Pinangalanan nila itong Mexitali Beach House kung saan tanaw ang Tali Beach sa Nasugbu, Batangas. Madalas ipasyal ni Joross dito ang kanyang mga kapwa-artista.

Gabby Concepcion

Favorite hang-out place ng '80s matinee idol na si Gabby Concepcion ang kanyang beach house sa Lobo, Batangas. Payapa at presko ang vibe ng kanyang bahay-bakasyunan dahil gawa ito sa kawayan at pawid.

Christopher De Leon

Sa Lobo, Batangas din ang beach house ng mag-asawang Christopher De Leon and Sandy Andolong. Madalas ding magbakasyon dito ang apo ni Boyet at Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

Enrique Gil 

Isang taon at kalahati nang ginawa ang five-story beach house ng aktor na si Enrique Gil sa Anilao, Batangas. Mayroon itong sampung kwarto, private beach at infinity pool.

Dawn Zulueta 

Pagmamay-ari ng pamilya ng asawa ni Dawn Zulueta na si Rep. Antonio Ernest Lagdameo, Jr. ang Pearl Farm Beach Resort sa Samal Island, Davao Del Norte. Ito lang ang nag-iisang 5-star resort sa Mindanao. Ipinagmamalaki nito ang pristine beaches na nakapalibot sa resort.

Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos 

"Bakawan" kung tawagin ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang kanilang beach front property sa Batangas.

Carmina Villarroel and Zoren Legaspi 

Beach front din ang bahay-bakasyunan ng Legaspi family sa Batangas. Dito ginanap ang ilang important occasions ng kanilang pamilya gaya ng 16th birthday ng kambal na sina Cassy at Mavy.

Katrina Halili

Taong 2012 nang binuksan ng sexy actress na si Katrina Halili ang Pa-Lao-Yu Dive Resort. Matatagpuan ito sa kanyang hometown sa El Nido, Palawan.

Chris Tiu

Pagmamay-ari ng pamilya ng cager na si Chris Tiu ang award-winning luxury resort sa Boracay, ang Discovery Shores.

Iza Calzado

Isa si Iza Calzado sa mga nagmamay-ari ng The Tides Hotel sa Boracay. Proud niyang inanunsyo sa isang press conference na nag-invest siya ng isang milyon para rito.

Jinkee Pacquiao

Proud na ibinahagi ni Jinkee Pacquiao sa Instagram ang ilang larawan ng kanilang private sanctuary sa Saranggani. Happy place kung kanya itong tawagin.

97JEZ 速借網 服務項目:

借錢

私人借錢

私人小額借款

借款

當鋪

企業借款

車貸

房貸

贊助廣告:安貸

借錢 線上借錢

97JEZ 服務項目: 借錢 小額 借款 當鋪 民間借貸 車貸


喜歡?給個讚吧 :)
網友推薦

熱門關鍵字:

康福開發設計股份有限公司 硬化地坪 地坪處理 混凝土硬化地坪 混凝土硬化工程 拋光地坪 混凝土磨石地坪