WATCH: Gabbi Garcia, shares tips for a fuss-free vacation - gohong01

Mula sa kaniyang litrato na kayaking by the mangroves hanggang sa pagpapakita ng kaniyang tan at the tip of a boat, naging trending sa social media si millennial it-girl Gabbi Garcia at ang trip niya sa Bohol early this month.

At para kay Gabbi, isang reward daw ang pagbabakasyon para sa kaniya at kaniyang pamilya.

Aniya, “Sobrang fun lang, stress-free, at pure relaxation.”

LOOK: Gabbi Garcia's sexy photo in Bohol burns up social media

At dahil summer na, nagbahagi rin ng tips ang Kapuso actress para ma-enjoy at maging fuss-free ang bakasyon ngayong tag-init.

Una, mainam raw na maghanap ng cheap flights online.

Inamin ni Gabbi, “The online sales are actually good.

“Sobrang sulit talaga!”

Ikalawa, mahalagang mag-set ng budget para sa trip. Mula sa airline tickets hanggang sa araw-araw na gastos, importante na mag-stick sa budget.

Ikatlo, planuhin ang iyong itinerary para maging stress-free ang bakasyon. Bukod sa recommendations na mahahanap online, maari rin daw na magtanong sa locals at sa hotel accommodations na iyong tutuluyan.

Sabi ni Gabbi, “[They] know what type of food I want and after the island hopping, they prepare the boodle fight for us.

“Those details, you have to prepare it at kung saan yung mga islands na pupuntahan mo.”

Paghandaan rin daw ang mga susuotin sa trip para hindi mag-overpack.

Aniya, “I prepare two outfits kapag beach trip.

“Di ba kasi mag-swim ka, magpapalit ka, and usually pag gabi iba yung suot mo.

“At huwag kayong magbaon ng jeans na dalawa o tatlo, one is enough.”

At lastly, huwag kalimutan dalhin ang essentials lalo na ang sunblock.

“Of course sunblock! Hindi porket morena ka, hindi ka na mag-sunblock.

“That's not true. Everybody needs sunblock.”

Panuorin ang buong ulat ni Nelson Canlas:

READ: Gabbi Garcia's must-dos to have a perfect summer outing

#Goals with Gabbi Garcia: How to look and stay fresh this summer | GMA One

喜歡?給個讚吧 :)
網友推薦

熱門關鍵字:

康福開發設計股份有限公司 硬化地坪 地坪處理 混凝土硬化地坪 混凝土硬化工程 拋光地坪 混凝土磨石地坪