Jasmine Curtis-Smith and Jeff Ortega to open boutique hotel in La Union - gohong01

Excited na ibinalita ni Jasmine Curtis-Smith ang unang business venture nila ng kaniyang boyfriend na si Jeff Ortega, isang boutique hotel sa San Juan, La Union.

Jeff Ortega and Jasmine Curtis-Smith

Sa katunayan, magtutungo raw ang magkasintahan ngayong Holy Week break para sa soft opening ng Funky Quarters.

“I decided to join them in this venture para I can start learning for the next one, which will be mine and Jeff's,” sabi ni Jasmine nang makausap siya ng GMANetwork.com at iba pang entertainment reporters sa grand media conference ng pelikula niyang Maledicto kahapon, April 16.

Ayon kay Jasmine, isa lamang siya sa mga nagmamay-ari ng nasabing hotel.

“For the meantime, we're just making sure that we can perfect all the needed aspects of it--the service, the presentation, the building, kung 100 percent complete na ba siya o 'yun na talaga 'yung finish niya. We're just doing all of that now.

“Me naman, I'm just really a helping hand to all of it.

“Grinasp ko na rin yung opportunity to learn because I don't know how else I'll come around to learning how to build a hotel or how to come around to building one.”

Sa ngayon, hindi pa masabi ni Jasmine kung magiging hands-on siya nang husto sa bagong business na ito.

Pero siniguro niyang hindi niya iiwan ang kaniyang showbiz career.

Sabi ni Jasmine, “It's not really my baby yet. This is more of learning for me para makakuha rin ako ng ideas on how to manage in the future.

“But hopefully, in the first few years, if this actually happens, I want to be hands-on.

“This doesn't mean naman that I'll leave my work or my career.

“I still love acting, I still want it. It's what helped me build that.

“In retrospect, hindi ko ever makakalimutan or iiwanan ito because I feel like I always wanna be acting.”

Magiging kasosyo rin daw ng magkasintahan sa business na ito ang mga tao sa likod ng Karpos Multimedia, na nag-o-organize ng annual art and music festival na Wanderland.

97JEZ 速借網 服務項目:

借錢

私人借錢

私人小額借款

借款

當鋪

企業借款

車貸

房貸

贊助廣告:安貸

借錢 線上借錢

97JEZ 服務項目: 借錢 小額 借款 當鋪 民間借貸 車貸


喜歡?給個讚吧 :)
網友推薦

熱門關鍵字:

康福開發設計股份有限公司 硬化地坪 地坪處理 混凝土硬化地坪 混凝土硬化工程 拋光地坪 混凝土磨石地坪